Bautista

DOTr sisimulan negosasyon ng malalaking transpo project

Jun I Legaspi Aug 14, 2022
260 Views

SISIMULAN na ng Department of Transportation (DOTr) ang pakikipag-usap sa gobyerno ng China kaugnay ng mga malalaking transportation project sa bansa na hindi naumpisahan sa nakaraang administrasyon.

Ito ay matapos na magkita sina Transport Secretary Jaime Bautista at Chinese Ambassador Huang Xilian noong nakaraang linggo.

Kasama sa papapondohan sa China ang PNR South Long Haul Project (North-South Commuter Railway), Subic-Clark Railway at Mindanao Railway (Tagum-Davao-Digos).

Hindi naumpisahan ang mga proyektong ito sa ilalim ng Duterte administration.

Nang magpalit ng administrasyon ay otomatikong nabalewala ang request kaya kailangang magkaroon ng bagong negosasyon.