Celis

Nelson Java Celis itinalaga ni PBBM bilang Comelec commissioner

206 Views

NAPILI ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Nelson Java Celis bilang Commissioner ng Commission on Elections (Comelec).

Kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang appointment ni Celis.

Si Celis ay uupo sa Comelec hanggang sa Pebrero 2, 2029 batay sa kanyang appointment paper na may petsang Agosto 11, 2022.

Siya ay spokesman ng Automated Election System Watch, isang koalisyon ng mga grupo na nananawagan ng maayos, malinis, at walang dayaang halalan.