Calendar
Ang nahukay na 75 MM na highly explosive vintage bomb ay nasa pangangalaga na ng DECU-MPD matapos mahukay sa isang construction site sa Sampaloc, Manila.
Vintage bomb nahukay sa contruction site sa Sampaloc
ISANG 75MM na highly explosive na vintage bomb ang natagpuan ng mga nag huhukay ng mga trabahante ng contractor ng China International Water & Electric Corp sa Lacson Avenue corner G. Tuazon St., Barangay 419, Sampaloc, Manila Lunes ng hapon.
Ayon sa report ng MPD Lacson-PCP sa Sampaloc Police Station, bandang 4:05 ng hapon ng i-report ni Edward Daza, 40, may asawa, construction manager, at kasalukuyang naninirahan sa 143 Summit Vile, Barangay Putatan, Muntinlupa City, ang nasabing vintage bomb na nahukay ng kanyang mga tauhan.
Agad rumesponde ang mga kapulisan sa pamumuno n PLt.Mervin Sumang, hepe ng Lacson PCP-MPD Station 4, at kinordon ang lugar upang hindi magdulot ng aksidente,
Sa salaysay ni Edward, natukoy na ang contractor ng China International Water & Electric Corp. ay manu-manong naghukay gamit ang piko, kung saan nadiskubre ang 75MM highly explosive na vintage bomb.
Agad ipinagbigay alam ang insidente sa MPD DECU.
Mabilis na rumesponde si PCMS Romulo Ramilo at isa pang miyembro ng MPD DECU at sinuri ang bomba.
Bandang 6:10 PM natapos ang operasyon nang walang naiulat na napinsala.

