Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Angeles

PBBM bibisita sa Indonesia, Singapore sa Setyembre

235 Views

BIBISITA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Indonesia at Singapore sa susunod na buwan.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles si Marcos ay nasa Indonesia sa Setyembre 4 hanggang 6 at sa Singapore mula Setyembre 6 hanggang 7.

Sinabi ni Cruz-Angeles na wala pang detalye ang mga biyaheng ito.

Ang pagpunta sa Indonesia at Singapore ang unang opisyal na state visit ni Marcos mula ng maging Pangulo ito ng bansa.

Ayon kay Cruz-Angeles inaayos pa ang pagpunta ni Marcos sa Estados Unidos kung saan inaasahan na magsasalita ito sa United Nations General Assembly.