Calendar
Kinakausap ni Police Capt.Dennis Turla ang suspek. JONJON C. REYES
Carnap suspek nakorner sa Quiapo
NATIMBOG ng mga operatiba ng MPD Plaza Miranda PCP Station 3 ang isang 48-anyos na lalaki matapos makorner at marekober ang umano’y ninakaw na motor at mahulihan ng baril sa kahabaan ng ng Carlos Palanca Street, kanto ng P.Ducos Street,Quiapo Manila, Miyerkules ng hapon.
Nakilala ang suspek na sina alyas Robert, 48, walang asawa, walang trabaho, Muslim, at residente ng Blk 63 Lot 29, Phase 3, Digay Street, Upper Bicutan, Taguig City.
Ayon sa report ni Police Capt. Dennis Turl, Plaza Miranda PCP Commander ng MPD Sta Cruz Police Station 3, bandang 4:15 ng hapon ng matimbog ang suspek.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nagsasagawa ang mga tauhan ng Plaza Miranda PCP ng anti-criminality operation at police visibility patrol sa nasabing lugar nang marinig at makitang hinabol ng babaeng biktima na si alyas “Avonne Ann” , 38, single, vendor,ang papatakas na suspek sakay ng motorsiklo.
Natawag ang pansin nina PMSg Ariel Papa, PCpl Jerry Boy Babaran at PCpl Leonardo Gloria na humabol sa suspek.
Narekober sa suspek ang isang motorsiklo, caliber .38 revolver na kargado ng tatlong piraso ng .38 live ammunitions.
Ang suspek ay dinala sa Jose Reyes Memorial Medical Center para sa medico-legal na pagsusuri at dinala sa police station para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.
Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 10883 (Ang Bagong Anti-Carnapping Law) at R.A. 10591 (Ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang naarestong suspek at ihaharap sa ito Manila City Prosecutors Office para sa inquest proceedings.

