Sunog1 Ang mga naganap na sunog sa magkahiwalay na lugar sa United Nations Avenue at San Andres Bukid sa Maynila. JONJON C. REYES

2 sunog sumiklab magdamag sa Paco, San Andres

Jon-jon Reyes Feb 9, 2026
451 Views

Sunog2

Sunog3
Ang mga naganap na sunog sa magkahiwalay na lugar sa United Nations Avenue at San Andres Bukid sa Maynila. JONJON C. REYES

SUMIKLAB ang sunog sa isang apartment sa bahagi ng United Nations Avenue,Tangke St,.sakop ng Bgy. 664-A,sa Paco, Maynila, madaling araw ng Lunes, Pebrero 9, 2026.

Ayon sa report, nagsimula ang sunog bandang 1:25 ng madaling araw at umabot sa unang alarma.

Bandang pasado alas 2:48 ng madaling aran ay idineklara ang fire out, ayon sa BFP.,

Patuloy pang inaalam ng mga opisyal ng BFP ang pinagmulan at sanhi ng sunog at kung magkano halaga ang napinsala sa nasabing sunog.

Samantala, isa pang sunog ang sumiklab sa San Andres Bukid mula sa isang bahay madaling araw din ng Lunes.

Mabilis rumesponde ang mga kagawad ng Bureau of Fore Protection (BFP) sa lugar at agad naapula ang sunog.

Bandang alas-5:25 ng umaga nang magsimula ang sunog sa isang residential area

Ayon sa BFP, agad nakontrol at naapula ang apoy na umabot lamang ng unang alarma.

Base sa pahayag ni Barangay 774 Chairman Jovan Alonzo, nagsimula ang sunog sa isang bahay na gawa sa light materials, Naapektuhan ang ikatlo at ika-apat na palapag ng bahay.

Posible umano na sa nakasinding kandila ang pinagmulan ng sunog. Nasa apat hanggang anim na pamilya o 10 hangang 15 katao ang naapektuhan at nawalan ng tirahan sa naganap na sunog.

Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.

Patuloy na iniimbestigahan ng BFP ang sanhi ng sunog at ang halaga ng pinsala.