Boy

Batang lalaki, 11, pinatulog, kinuha Nintendo Switch, ‘pinatay’ nag-ampong ama

311 Views

NAGING emosyonal ang mga tao sa loob ng korte nang ang isang 11-taong-gulang na batang lalaki, ay humarap sa isang hukom noong Huwebes, ika-19 ng Pebrero, habang pinawalang-bisa ang kanyang karapatan sa isang paunang pagdinig sa Perry County Courthouse, New Bloomfield, PA.

Ang akusadong kinasuhan ng pagpatay matapos barilin ang adoptive father, madaling-araw ng January 13, ay dati nang tinanggihan ng piyansa. Siya ay nanatiling nakaposas habang nasa loob at papalabas ng korte, ayon sa report.

Sinabi ng abogado ng bata sa mga lokal na pahayagan na wala siyang komento sa kaso, ngunit ang kanyang “layunin” ay mailipat ang kanyang kliyente sa “juvenile court”.

Ang bata ay kasalukuyang nililitis bilang isang adult.

Ayon sa mga dokumento ng korte na sinuri ng PEOPLE, nagalit ang 11-taong-gulang sa kanyang adoptive father nang kunin ang kanyang Nintendo Switch at pinagsabihang matulog na.

Nakita ng nagalit na bata ang susi sa isang safe sa drawer ng kanyang ama at binuksan ito sa pag-asang makita ang video game console.

Ang akusado ay umano’y umamin na “kumuha ng baril na hindi binanggit kung anong kalibre mula sa safe, naglagay ng bala dito at lumakad papunta sa tabi ng kama ng kanyang ama” at pinaputok, ayon sa mga awtoridad.

Nang tanungin ng pulis ang 11-taong-gulang kung ano ang akala niya mangyayari nang hilahin niya ang gatilyo, sinabi ng bata siya “ay galit” at “hindi niya naiisip iyon, ayon sa affidavit na nakuha ng outlet,

Ang ina ng bata ay sinabi sa pulisya na siya at ang kanyang asawa ay kumanta pa ng Happy Birthday sa araw na iyon para sa akusado bago sila matulog, at nagising siya sa malalakas na putok ng baril. People’s Tonight Los Angeles Correspondent