Calendar
Sunog sumiklab mula generator sa PUP main campus



SUMIKLAB ANG sunog mula sa isang generator sa East Wing ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) Main Campus sa Sta. Mesa, Maynila ngayong hapon, Mayo 5, 2026.
Agad rumesponde ang mga pamatay sunog upang apulahin ang apoy. Bandang 3;05 ng hapon nang magdeklara ng fire-out.
Agad na ipinalikas ang mga estudyante at kawani ng pamantasan patungo sa oval campus.
Dahil sa insidente, kinansela ang mga klase at transaksyon sa mga opisina ng unibersidad,ayon sa anunsyo ng University Disaster Risk Reduction and Management Council (UDRRMC) na iniulat ng College of Communication Student Council (COC SC).
Gayunpaman, ayon kay COC Dean Reuben Alagaran II, magpapatuloy pa rin ang mga nakatakdang midterm at final examinations sa COC Building hanggang matapos ang huling iskedyul.
Patuloy ang isinasagawang imbistigasyon ng mga pamatay sunog at inaalam ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang napinasala sa nangyaring insidente.

