FBI

FBI sinalakay tahanan ni John Bolton, dating Nat’l Security Adviser ni Trump

291 Views

ISTANBUL – Isinagawa ng mga ahente ng FBI ang pagsalakay sa tahanan ng dating US National Security Adviser na si John Bolton nitong Biyernes ng umaga bilang bahagi ng isang imbestigasyon kaugnay ng pambansang seguridad, ayon sa ulat ng New York Post.

Naganap ang paghahalughog sa bahay ni Bolton sa Bethesda, Maryland – malapit sa Washington, D.C. – bandang alas-7 ng umaga (lokal na oras), sa utos ni FBI Director Kash Patel, ayon sa ulat ng naturang pahayagan.

Nag-post si Patel sa social media platform na X (dating Twitter) na, “WALANG sinuman ang lampas sa batas … @FBI agents on mission.”

Ang imbestigasyon ay may kaugnayan umano sa mga classified documents at nagsimula pa ilang taon na ang nakararaan ngunit umano’y naisantabi sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Joe Biden “dahil sa mga kadahilanang pulitikal,” ayon sa isang senior US official na sinipi ng pahayagan.

Si Bolton, na nagsilbing national security adviser ni Trump mula 2018 hanggang 2019, ay naging kritiko ng dating pangulo matapos umalis sa puwesto. Nahaharap din siya sa mga akusasyon na nagsama siya ng sensitibong impormasyon sa kanyang memoir noong 2020 na pinamagatang “The Room Where It Happened.” PNA/Anadolu