Vic Reyes

Mga kritiko ni PBBM nagmumukhang engot

Vic Reyes Feb 25, 2026
142 Views

MALIGAYANG araw sa ating mga mambababsa, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan at iba pang panig ng daigdig.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, La Dy Pinky, Mama Aki ng Ihawan, Glenn Raganas, Endo Yumi, Roana San Jose, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.

God Bless sa inyong lahat!

***

Tuso talaga ang mga miyembro ng illegal drug syndicates. Lahat ginagawa para lang maisagawa ang kanilang masamang negosyo.

Pati mga kawawang kababayan natin na gustong magtrabaho bilang overseas Filipino worker (OFW) ay ginagamit bilang mga courier ng mga ipinagbabawal na droga.

Palihim nilang inilalagay sa mga bagahe ng OFW ang illegal drugs.

Kaya ang payo ng Bureau of Customs, sa pamamagitan ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno, sa mga gustong magtrabaho sa labas ng bansa ay siguraduhing legitimate and recruitment agency.

Kung may duda o tanong ay magtanong sa Department of Migrant Workers (DMW) para hindi kayo mabiktima.

Huwag kayong tatanggap ng mga padalang kahon o bagay ng mga taong hindi ninyo lubos na kilala.

Ang isa pang gimik ng mga sindikato ng illegal drugs ay mag-ooffer sila ng libreng “tour.”

Dahil “libre,” may mga kakagat sa offer. Ang hindi alam ng mga ito ay gagamitin lang silang taga-dala ng kontrabando.

Sana gawin lahat ng gobyerno, sa pamamagitan ng BOC, DMW, Bureau of Immigration at iba pang ahensya, para iparating sa lahat ang warning at modus operandi ng mga sindikato ng droga.

Ang maganda ay tumulong na rin sana ang pribadong sektor, sa pamamagitan ng diyaryo, radyo at telebisyon, sa information dissemination campaign.

Pati social sa media.

Malaking bagay ang social media dahil lahat na yata ng tao ay may cellular phone o computer.

Malaki rin ang maitutulong ng mga opisyal at kawani ng mga barangay dahil sila ang nakakaalam ng mga nangyayari sa komunidad.

Natutuwa nga tayo dahil sunod –sunod naman ang mga nasasakoteng illegal drugs ng BOC.

Marami sa mga ito ay nakapaloob sa mga incoming air parcels.

Ang iba ay nakikita sa mga unclaimed at abandonadong packages.

***

Sa tingin ng marami ay mabilis ma-dedesisyonan ng House of Representatives ang apat na impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.

Ang mga panibagong complaints kasi ay halos pareho na rin sa mga isyung nakapaloob sa impeachment raps na ipinarating noon ng Kamara sa Senado.

Ang kailangan lang ay sundin ng mga Kongresista ang procedures na inilatag ng Korte Suprema.

Ayon nga sa ulat, siguradong lulusot sa Kamara de Representante ang impeachment rap dahil sobra ang bilang ng mga kongresistang sumusuporta sa oust-Duterte move,

Dahil dito ay siguradong pinaghahandaan na rin ng liderato ng Senado ang pagtanggap sa impeachment complaint laban kay VP Duterte.

Ang trial sa Senado ang dapat paghandaan ni Vice President Duterte at ang kanyang mga abogado.

***

Mabuti na lang hindi nagpapa-apekto si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ingay ng mga“destructive critics” ng kanyang administrasyon.

Kaya nga lalong nagagalit ang mga kritikong ito dahil hindi sila pinapatulan ni Pangulong Bongbong.

Nagmumukha silang mga engot dahil wa-epek sa Pangulo ang kanilang mga patutsada.

Ang dahil sa mga pambabatikos nila, lalong napapamahal si PBBM sa taumbayan dahil sa kanyang ipinapakitang“genuine concern for the welfare of the Filipino people.”

Lalo na sa mga mahihirap hindi lang sa Luzon kundi sa buong bansa.

Kitang-kita ito sa dami ng mga taong sumasalubong sa kanya sa mga probinsiya, syudad at bayan na kanyang pinupuntahan.

(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa:+63 9178624484/email:philipreyes08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)