Roblox nakipagtulungan na sa PH — Hontiveros
Sep 17, 2026
After BARMM elections, magkaisa na tayo–Bam
Sep 17, 2026
MO ng alleged PDF bukelya
Sep 17, 2026
Calendar
Metro
Binaril na tricycle driver todas; bumaril nakaeskerda
Edd Reyes
Mar 1, 2026
450
Views
DEDO ang tricycle driver nang pagbabarilin ng nag-iisa at nakatakas na hitman noong Linggo sa Pasay City.
Isinugod ng mga nagrespondeng pulis sa Pasay City General Hospital kung biktimang si Jason Valenzuela ng madatnang duguang nakahandusay sa M. Dela Cruz St. Brgy. 132 subalit patay na ng idating sa ospital.
Ayon sa report, nasa tabi ng ipinapasadang tricycle si Valenzuela sa M. Dela Cruz St. ng dumating ang suspek na nakapulang t-shirt, itim na pants at helmet na itim dakong alas-11:10 ng umaga at pinagbabaril ang biktima bago tumakas sakay ng motorsiklo.
Bagama’t hindi pa batid ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.
Sumalpok sa police station, sugatan ‘di na kinasuhan
Sep 16, 2026
