Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Binata Himas rehas ang suspek matapos magbiro na may bomba sa loob ng kanyang bag sa Ermita, Manila. JONJON C. REYES

KELOT ARESTADO SA BOMB JOKE

119 Views

INARESTO ang isang 31-anyos na lalaki matapos magbiro ng “Huwag galawin ang bag ko, may bomba,”habang nasa isang establisyimento sa harap ng Consular Application Entrance Gate, sa kahabaan ng Roxas Blvd, Ermita, Manila, Martes ng umaga.

Nakilala ang suspek na si alyas ‘Mark’, 31, binata, walang trabaho at residente ng Barangay Brooks Point, Baguio City.

Ayon sa report, bandang 8:30 ng umaga nang mangyari ang insidente kung saan ang tinuran ng suspek ay naglikha ng pagkalito at takot sa lugar.

Agad na hinarang at inaresto ng mga gwardiya at pulis ang suspek.

Sa ilalim ng Presidential Decree 1727 o Anti-Bomb Joke Law, mahigpit na ipinagbabawal ang bomb jokes sa mga pampublikong lugar at sa lahat ng uri ng transportasyon sa bansa.

Ang pamunuan ng Manila Police District ay mahigpit na nagpapaalala na may kaukulang parusa na pagkabilanggo at multa sa magtatangkang gawin biro ang bomb threat.

Maaaring makulong ng hindi lalagpas sa limang taon o magmulta ng hindi bababa sa P40,000 o pareho ang mapapatunayang lumabag sa naturang batas.

Sa Ibinunyag sa inisyal na imbestigasyon, habang naka-duty si John Daryl Medina, isang security guard sa nasabing establisyemento sa Manila at tumulong sa pila ng visa application, ang suspek ay nagtangkang pumasok sa consular premises sa kabila ng walang scheduled visa appointment.

Noong mga oras na iyon, personal na narinig ng mga saksi na naroroon sa lugar, ang suspek na nagbiro na nagdulot ng pagkaalarma ng mga tao sa paligid.

Batay sa impormasyon, tinugis ng isang sekyu ang suspek upang maiwasan ang anumang posibleng banta.

Habang tinutugis, tinangka ng suspek na tumuloy sa main entrance gate. Gayunpaman, agad na namagitan si PMSg Rick Martle Guinawan at na-intercept ang suspek,at mabilis na naaresto.

Ang suspek ay hawak ng mga tauhan ng DSIU ng U.S. Embassy.

Sa tulong mula sa MPD DECU ay siniyasat ang mga gamit ng suspek kung saan walang nakitang pampasabog o mapanganib na materyales.

Ang mga tauhan mula sa J. Bocobo PCP ay tumugon at tumulong sa pagsasampa ng mga kaso. Dinala ang suspek sa Ermita Police Station para sa imbestigasyon, pagkatapos ay sa Jose Reyes Memorial Medical Center para sa medical examination, at kalaunan ay ibinalik sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Dahil dito ang suspek ay nahaharap sa kaso ng paglabag sa P.D. 1727 o Anti Bomb Joke Law.