Calendar
Prosecutor, hepe ng Batangas police magkasama sa laban vs kriminalidad
NAG-courtesy call kay Atty. Agnes Farida Bagaforo-Arellano II, Tanauan City Prosecutor si P/Col. Marlon Rufo, director ng Batangas police, sa Brgy. Población 3, Tanauan City, Batangas.
Tinalakay ng dalawa ang pagpapalakas ng pakikipagtulungan ng Batangas police at Fiscal’s office sa pagpapatupad ng batas, imbestigasyon at pag-uusig ng mga kasong kriminal.
Ipinahayag ng City Prosecutor ang buong suporta sa police director na binigyang-diin ang kahalagahan ng isang matibay na pakikipagtulungan sa pagtitiyak ng katarungan at kaligtasan ng publiko.
Ang pagbisitang ito ay naglalayong palakasin ang pakikipagtulungan sa pagitan ng Batangas PPO at ng Tanggapan ng Piskal ng Lungsod.
May magkasanib na pangako ang parehong panig na pairalin ang batas at kaayusan at magbigay ng epektibong serbisyo upang masiguro ang kaligtasan ng mga taga-Batangas.

