PRO4A

Mga parak sa PRO-4A binigyan ng gulay, bigas

211 Views

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, nagsagawa ang Police Regional Office-4A OLC Foundation Inc. (OLCFI) ng fresh vegetable distribution activity sa PRO-4A covered court sa Camp PBGen. Vicente Lim, Calamba City kamakailan.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Mary June Lucas, adviser ng PRO-4A OLCFI, kasama ang Regional Community Affairs and Development Division (RCADD).

Umabot sa 100 tauhan ng PRO-4A ang tumanggap ng sariwang gulay at bigas, na nagtataguyod ng kalusugan, kagalingan at suporta sa komunidad.

Binigyang-diin ni Lucas ang kahalagahan ng kalusugan at kagalingan, pagkakaisa ng komunidad at pagpapalakas ng kababaihan.

Pinaalalahanan din niya ang lahat na ang serbisyo ay hindi laging nangangailangan ng malalaking kilos dahil nagsisimula ito sa pagbabahagi ng kung ano ang mayroon ang nagbibigay at pagpili ng kabutihan araw-araw

Ang makabuluhang aktibidad na ito ay sumasalamin sa diwa ng pagpapalakas, malasakit at paglilingkod sa komunidad bilang paggalang sa mga kababaihan at sa kanilang papel sa lipunan.