Mister nawala matapos umalis ng bahay, misis humihingi ng tulong

Steve A. Gosuico Mar 7, 2026
194 Views

GAPAN CITY–Nanawagan sa mga pulis sa siyudad na ito ang ginang na tulungan siyang mahanap ang mister niya na nawala matapos umalis ng kanilang bahay noong Abril 2025 at huli niyang naka-chat noong Nobyembre 17, 2025.

Kinilala ng mga pulis ang misis na si Virginia Mendizabal, 46, ng Brgy. Abot-Molina, Umingan, Pangasinan at ang mister niyang nawawala na si Cesar Mendizabal.

Umalis si Cesar sa bahay nila nang Abril 19, 2025 upang bumalik sa kanyang trabaho sa Solar Philippines sa Peñaranda, Nueva Ecija.

Ang kanilang kontakan ay nagpatuloy sa chat at ang huling message nang lumipat ng trabaho si Cesar sa China Energy sa Brgy. Macabaklay, Gapan City.

Nabatid na nakapagtrabaho ang lalaki dito ng dalawang linggo bago nagbitiw.

Simula noong Nobyembre 17, 2025, hindi na sila muli nagkausap sa chat kaya dumulog na sa mga pulis si Mrs. Mendizabal upang humingi ng tulong.

Ayon sa pulisya, kontakin lamang ang ginang sa cellphone number 09465240391 at sa 09052913329 kung may anumang info ukol sa nawawala.