Calendar
Mga suspek sa pagpatay, tulak huli sa Cavite
TATLONG suspek sa pagpatay at pangangalakal ng ilegal na droga ang naaresto sa hot pursuit operation ng Bacoor City police noong Sabado.
Nakilala ang mga nalambat na sina alyas Paquio/Pakyaw, Edison at Dennis, na pawang sangkot sa pananaksak, ayon sa mga pulis.
Naaresto ang tatlo dakong alas-2:45 hapon sa Campupot St., Brgy. Zapote 1, Bacoor City, Cavite.
Nahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591, ayon sa report.
Dalawa sa suspek ang tumangging maaresto at umatake pa sa mga pulis na may kutsilyo pero napigilan kaya naaresto din.
Narekober mula sa mga suspek ang 7 gramo ng shabu na may halagang P47,600 at ang kutsilyong ginamit sa pagtangging maaresto.
Nakuha rin sa kanila ang isang sumpak, 1 cal .38 ammunition at 2 live rounds ng 9mm.
