GSP

75th GSP anniv ipinagdiwang sa Camp-ference

Helen D. Prado Mar 8, 2026
101 Views

CALAPAN CITY–Nagsimula na noong Biyernes ang 75th Anniversary Camp-ference para sa Junior, Senior at Cadet levels ng Girl Scouts of the Philippines-Oriental Mindoro Council sa Plaza del Gobernador, Calapan City.

Nakatutok ito sa temang “Sisters and Legacy, Moving Forward Fearlessly.”

Tampok sa tatlong araw na event ang mga gawain na naglalayong paunlarin ang pamumuno, pagtutulungan, at malasakit sa komunidad ng mga Girl Scout.

Kabilang dito ang fun run, pagbisita sa Oriental Mindoro Heritage Museum, leadership workshops, team-building activities, song and dance presentations, environmental awareness sessions at iba pang gawaing nagsusulong sa kapakanan at kakayahan ng mga kabataang Girl Scout.

Samantala, patuloy na nagdarating ang mga delegado mula sa iba’t ibang sub-camps sa lalawigan.