Lipa

Hepe ng pulisya ng Batangas dumalaw sa mayor ng Lipa City

123 Views

LIPA CITY, Batangas–Dumalaw ang hepe ng pulisya ng Batangas kay Lipa City Mayor Eric Africa noong Biyernes upang palakasin ang koordinasyon ng Philippine National Police (PNP) at ng siyudad.

Kapag malakas ang koordinasyon, makakatulong para sa kaligtasan ng publiko sa loob ng nasabing lugar, ayon kay P/Col. Marlon Rufo, hepe ng Batangas police.

Sinamahan ang hepe ni P/Lt. Col. Aleli Cuyan Buaquen sa pagtungo sa istasyon upang makipagkita sa mga pulis doon at magsagawa ng talk to men.

Pinaalalahanan niya ang lahat ng pulis na iwasan ang pagpasok sa mga sabungan, bahay-aliwan at iba pang mga establisimyento na may kaugnayan sa mga ilegal na gawain.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagpapanatili ng disiplina, propesyonalismo, at integridad sa serbisyo ng pulisya.

Ibinahagi rin sa mga tauhan ng Lipa CCPS ang kanyang apat na gabay na prinsipyo–gawin ang tama, sumunod sa mga patakaran, alagaan ang sarili at magdasal.

Binigyang-diin niya ang focus agenda ng Philippine National Police na Enhanced Managing Police Operations, Management of Resources, Morale and Welfare, Integrity Monitoring at Community Support na haligi para makamit ang epektibo at serbisyong nakatuon na organisasyon ng pulisya.