Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026
Calendar
Provincial
Trayker sabit sa boga, shabu sa Malvar
Jojo Cesar Magsombol
Mar 8, 2026
501
Views
KAMPO HENERAL MALVAR, Batangas–Nadakma noong Biyernes ng mga pulis ang tricycle driver dahil sa pag-iingat ng baril at shabu sa Brgy. San Juan, Malvar, Batangas.
Ang suspek, ayon kay Batangas police chief P/Col. Marlon Rufo ay 37-anyos na si alyas Jose, na inaresto ng mga tauhan ng Malvar police sa bisa ng search warrant na inisyu ng presiding judge ng Fourth Judicial Region, Branch 66 ng Tanauan City, Batangas.
Narekober sa suspek ang cal .38 revolver, anim na bala at shabu.
Naipaalam sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal at kasalukuyang nasa kustodiya ng Malvar police para sa pagsasampa ng kaso sa tanggapan ng piskal ng Batangas.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

