Basag

2 nangnenok sa SUV sa QC nadakma

118 Views

NADAKIP ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang hinihinalang miyembro ng Basag-Kotse Gang at narekober sa mga suspek ang baril at granada.

Kinilala ni QCPD Director P/BGen. Randy Glenn Silvio ang mga suspek na sina alyas Adrian, 23; at Julian, 19.

Ayon sa ulat, nadiskubre ng security guard na basag ang rear second-row passenger-side window ng puting Toyota Land Cruiser sa St. Peter Funeral parking lot sa Panay Ave., Brgy. Paligsahan, Quezon City at nawawala ang bag na naglalaman ng mga alahas.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang suspek sa isang apartelle sa Fairview, Quezon City.

Nasamsam sa mga suspek ang isang kalibre .38 revolver, tatlong bala at isang hand grenade.

Nabawi rin ang mga ninakaw na alahas mula sa sasakyan.

Inihahanda na ang kasong theft at paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition) at RA 9516 (Unlawful Possession of Explosives) laban sa mga suspek.