Isko

Seniors sa Maynila may cash gift kay PBBM; Mayor Isko nagpasalamat

Edd Reyes Mar 11, 2026
253 Views

NAGPASALAMAT si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa cash gifts na ibinigay ng Pangulo sa 3,700 senior citizens sa ilalim ng Expanded Centenarians Act of 2024.

Isinagawa ang pamamahagi ng P10,000 kada benepisyaryo noong Marso 9 sa mga 80, 85, 90 at 95-anyos sa pakikipagtulungan ng National Commission of Senior Citizens.

Libu-libong mga lolo at lola sa Maynila ang nabiyayaan ng programa na pandagdag sa nauna na nilang inisyatiba para sa mga senior citizen ng lungsod, ayon sa alkalde.

“Sa Maynila, nagsimula ’yan noong panahon natin noong 2019. Regular ang bigay natin sa senior citizens, P500 every month at walang pinipili, mayaman, middle class o mahirap,” pahayag ng alkalde.

Bukod sa buwanang allowance, sinabi ni Mayor Isko na nagkakaloob din ang pamahalaang lungsod ng nutritional support sa kanilang mga lolo at lola.