Calapan

Pulong para sa mas malaking benepisyo para sa mga Calapeño

Helen D. Prado Mar 13, 2026
115 Views

CALAPAN CITY — Dumalo si Konsehal RC Concepcion at City Mayor Doy Leachon sa isang Full Council Meeting ng City Development Council (CDC) na ginanap sa Calapan City Convention Center, kasama ang Sangguniang Panlungsod, mga department heads ng City Government of Calapan, at mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng lungsod.

Sa nasabing pulong, tinalakay ang kasalukuyang kalagayan at progreso ng mga programang nakatuon sa pagpapaunlad ng iba’t ibang sektor ng lungsod, gayundin ang mga hakbang at plano upang mas mapalakas pa ang mga proyektong magdadala ng mas malaking benepisyo sa mga Calapeño.