Suspek

Homicide, carjack suspek arestado sa Batangas

102 Views

KAMPO HENERAL MALVAR, Batangas City — Inaresto noong Biyernes ng mga tauhan ng Tingloy Municipal Police Station (MPS) Warrant Section ang isang Provincial Most Wanted Person na may dalawang kasong nakabinbin sa isinagawang manhunt operation sa Barangay Sta. Mesa, Mabini, Batangas.

Kinilala ni Batangas Police Director PCol. Marlon V. Rufo ang akusado na si alyas Jano, 19, binata, walang trabaho, at residente ng Barangay Pook ni Banal, San Pascual, Batangas.

Ang Warrant of Arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 1, Batangas City, laban sa suspek para sa kasong homicide ay may inirekomendang piyansa na P72,000 at P120,000 naman para sa kasong carjacking.

Isang alternatibong recording device ang ginamit sa panahon ng operasyon, ayon sa utos ng korte.

Ang akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Tingloy MPS.