Calendar
NPA leader nahuli sa Bukidnon
NAHULI ng mga miyembro ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang top ranked New People’s Army rebel sa Bukidnon noong Martes, ayon kay PNP-CIDG director Major General Robert Alexander Morico II.
Sa report kay PNP chief General Jose Melencio Nartatez Jr., kinilala ang nahuli na si alyas Arman, 38.
Nahaharap ang suspek sa kasong murder, ayon sa report.
Ayon sa heneral, nahuli ang suspek ng mga miyembro ng CIDG Lanao del Norte Provincial Field Unit, Philippine Army, PNP Intelligence Group sa Manolo Fortich, Bukidnon bandang alas-7:30 ng umaga.
Miyembro ng North Central Regional Committee ng CPP/NPA ang naarestong suspek, ayon sa report.
Ayon kay Morico, suspek ang nahuli at 7 pang iba sa pagbaril at pagpatay sa dating barangay captain sa Purok 3, Brgy. Ampianga, Sugbongcogon Misamis Oriental noong August 12, 2015.

