Mga parak nakarekover ng mga boga, grenade launcher sa Lanao

Alfred Dalizon Mar 13, 2026
110 Views

HALU-halong high powered na baril at explosives ang nasamsam ng mga pulis sa Brgy. Curahab, Malabang, Lanao del Sur habang nag-iimbestiga ng kaso ng indiscriminate noong Linggo.

Ayon kay Philippine National Police chief, General Jose Melencio C. Nartatez Jr., nakuha dakong alas-11:34 ng umaga ang ilang automatic rifles, assorted magazines na puno ng bala, grenade launcher ammunition at bandoliers sa loob ng iniwang minivan ng mga nagpaputok ng baril.

Hawak ng mga mga pulis ng Malabang ang mga nakumpiska, ayon sa PNP chief.

“This operation shows that the PNP will not hesitate to act against threats to peace and public safety. Ang sinumang gumagawa ng karahasan ay haharap sa hustisya at sa buong kapangyarihan ng batas,” sabi ni Gen. Nartatez.

Iniutos ng hepe ng pulisya ang mga nasa likod ng mga nakuhang high powered na baril.

“The PNP is determined to apprehend those responsible and prevent any further threats to the community,” ayon kay Gen. Nartatez.