OFW

125 OFWs, dependents lulan ng 5 flights nakauwi ng PH mula Middle East

Jun I Legaspi Mar 18, 2026
191 Views

OFW1OFW2OFW3LIGTAS na nakauwi sa Pilipinas ang 125 overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang dependents, Martes, Marso, 17, 2026, sa pamamagitan ng magkakahiwalay na limang lights, bilang bahagi ng pinaigting na repatriation effort ng pamahalaan sa gitna ng umiiral na tensyon sa ilang bahagi ng Middle East.

Sa pagtutulungan ng Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Foreign Affairs (DFA), naisakatuparan ang maayos at ligtas na pag-uwi ng mga OFW.

Ang patuloy na repatriation effort ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang kapakanan at kaligtasan ng bawat OFW sa gitna ng krisis.

Ayon sa DMW, isinasagawa ang repatriation sa pamamagitan ng tatlong pangunahing paraan: commercial flight, charter flight, at land border crossing.

Ang paggamit ng mga paraang ito ay nakabatay sa umiiral na sitwasyon sa host country, kabilang ang limitasyon sa airspace at pagkakaroon ng mga flight palabas ng bansa.