Nakaw

Parak inaresto 17 sa nenokan ng sasakyan

301 Views

KAMPO HENERAL MALVAR, Batangas City–Arestado ng mga tauhan ng Mabini police ang 17 suspek sa pagnanakaw ng sasakyan sa Brgy. Malimatoc II, Mabini, Batangas noong Martes.

Ang biktima, ayon kay Batangas police director P/Col. Marlon Rufo, 43-anyos na negosyante at inireport ang nakawan bandang alas-3:11 ng hapon.

Nakipag-ugnayan sa mga pulis-Mabini ang biktima tungkol sa insidente ng pagnanakaw.

Nahuli ang mga suspek sa aktong pinuputol ang sasakyang pag-aari ng biktima.

Ang mga suspek ay sinabing inutusan lang sila ng kanilang kontratista. Ang mga suspek ay mga residente ng Mariveles, Bataan.