Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
ICE

Pila sa US airports paiikliin ng ICE

127 Views

SINABI ni White House border czar Tom Homan na magpapadala ng mga ahente ng Immigration and Customs Enforcement (ICE) sa mga airports sa US upang tumulong sa mga opisyal ng Transportation Security Administration at para umikli ang pila.

Binanggit ni Homan ang plano para sa deployment kasama ang mga pinuno ng ICE at TSA na magsisimula sa malaking paliparan na may pinakamahabang oras ng paghihintay para ma-inspect ang mga bagahe.

Kikilos ang ICE matapos sabihin ni President Donald Trump na kailangang maibsan ang pila sa maraming airports sa US.

Ang mga pila sa mga TSA checkpoint ay lalong humaba sa mga nakaraang linggo kasabay ng paglalakbay para sa spring break.

Idinagdag niya na magpapatuloy ang mga ICE sa mga aktibidad ng pagpapatupad ng imigrasyon habang ang iba ay nasa mga paliparan.

Ang shutdown ay nagresulta sa pag-alis o pag-quit ng mahigit 400 TSA agents ng sabay-sabay dahil hindi sila nakatanggap ng sahod sa loob ng ilang linggo.

Sinisi ni Senate Majority Leader John Thune ang mga Democrat sa pagpapahaba ng shutdown.

“Dahil sa pagtanggi ng mga ito na pondohan ang ahensya, libu-libong empleyado ang nagtatrabaho ng walang sahod,” sabi ng pulitiko.