Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Homeless

Homeless sa LA naninirahan na sa storm drain, imburnal

226 Views

Homeless1

LOS ANGELES, California — Ilan sa mga homeless o walang tirahan sa Los Angeles ang natagpuang nakatira na sa imburnal o storm drain, na indikasyon ng paglala ng homeless crisis sa naturang syudad.

Ang mga kondisyon ay sobrang delikado, kaya’t ang FOX 11 crew na nakakita sa nasabing homelessay kinailangang lumipat pa ng ilang bloke palayo bago mag-live.

“Ang nakita namin doon ay mahirap kalimutan,” ayon sa isang staff ng FOX 11.

Ang pamumuhay sa ilalim ng drainage o imburnal ay delikado sa kalusugan dahil kasama ng homeless ang tambak ng basura, dumi ng tao, langaw, mga daga at iba’t iba pang hayop.

Sa ibabaw ng nasabing storm drain nna malapit sa 88th Street at South Grand Avenue ay puno ng mga RV, tolda, at basura.

Si Juan Naula, na mula sa non-profit na organisasyon na Clean LA With Me, ay nagsabi na nakita niya ang dalawang tao na lumabas mula sa storm drain noong Lunes.

“Hindi ko akalaing may mga taong namumuhay na parang daga — o mas masahol pa sa daga,” sabi ni Naula.

Sinasabi ng mga kapitbahay malapit sa lugar na paulit-ulit na nilang iniulat ang mga kondisyon, ngunit pakiramdam nila ay hindi sila pinapansin ng lokal na pamahalaan.

Sa isang pahayag, tinawag ng tagapagsalita ng Alkalde ng Los Angeles na si Karen Bass ang sitwasyon na “trahedya at hindi katanggap-tanggap.” Idinagdag niya na ito ay sumasalamin sa mga taon ng sistematikong pagkukulang o systemic failures .