Laguna

Laguna tourists binigyan ng libreng tubig, tinapay

Gil Aman Apr 5, 2026
119 Views

NAMAHAGI noong Biyernes Santo ng libreng tinapay at tubig ang pamahalaang panlalawigan ng Laguna sa mga pilgrims at at turista na bumisita sa iba’t-ibang simbahan sa lalawigan.

Patuloy ang Laguna, sa pamumuno ni Gob. Sol Aragones, sa pamamahagi ng libreng tinapay at tubig sa mga pilgrim at turista na bumibisita sa lalawigan.

Nagsimula ang inisyatiba noong Abril 1, 2026 at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan ang free snacks bilang paggunita sa Semana Santa at pagsuporta sa mga nagbi-visita iglesia at pagninilay.

Isinasagawa ang pamamahagi katuwang ang mga kawani mula sa tanggapan ng gobernador na tumutulong upang maabot ang mga naglalakbay na deboto.

Marami ang nagpapasalamat sa pagkakaroon ng makakain at maiinom sa gitna ng mahabang oras ng pagdarasal, paglalakad at pagbisita sa mga simbahan.