Yummy otoko losyang na
Apr 1, 2025
Liempo, pork cubes ipinuslit ng 2 suspek, tiklo
Apr 1, 2025
DOTr: Dagdag pasahe sa LRT-1 aprubado na noon pa
Apr 1, 2025
Calendar

Overseas Filipino Workers
DFA humirit ng executive clemency para kay Mary Jane Veloso
Anchit Masangcay
Sep 7, 2022
250
Views
HINILING umano ni Philippine Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kay Foreign Minister Retno Marsudi ng Indonesia na bigyan ng executive clemency ang Pinay na si Mary Jane Veloso na nasa death row sa Indonesia.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles hiniling ni Manalo ang pagbibigay ng executive clemency ng makausap nito si Marsudi noong Setyembre 4.
Ipararating umano ni Marsudi ang kahilingang ito sa ministry of justice ng Indonesia.
Sa kanyang pagpunta sa Indonesia, hiniling ng mga kaanak ni Veloso kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipaki-usap na bigyan ito ng executive clemency.
Si Veloso ay hinatulan sa kasong drug trafficking noong 2010.
Magsino umaasa na makakaboto na ang mga OFWs sa Mayo
Mar 22, 2025