BBM

Orchid sa Singapore ipinangalan sa Marcos couple

54 Views

ISANG orchid sa Singapore ang pinangalanan sunod sa mag-asawang sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos.

Ang halaman na tinawag na Dendrobium Ferdinand Louise Marcos ay isang free-flowing orchid hybrid na may habang 50-70 sentimetro at namumulaklak ng 20-30 piraso.

Ang bulaklak ay ipinakita sa mag-asawa sa kanilang pagpunta sa National Orchid Garden sa Singapore noong Miyerkoles, Setyembre 7, 2022.

Ayon sa curator na si Whang Lay Keng isang karangalan na ipangalan sa mag-asawa ang naturang halaman.

Mayroon ding halaman sa Singapore na isinunod sa pangalan nina dating Pangulong Corazon Aquino at Rodrigo Duterte at dating First Lady Imelda Marcos.