Tagumpay ng Kamara ibinida ni Speaker Bojie Dy
Jun 6, 2026
PRO 4A nagparangal sa chaplain
Jun 6, 2026
Calendar
Provincial
Laguna nagbukas ng sariling chemo center
Gil Aman
Apr 9, 2026
182
Views
BINUKSAN na sa pangunguna ni Gob. Sol Aragones sa Laguna ang kauna-unahang chemotherapy center noong Abril 8 sa Laguna Medical Center sa Sta. Cruz, Laguna.
Mahalagang hakbang para mapalapit ang gamutan laban sa cancer sa mga Lagunense ang pagkakaroon ng chemo center.
Layunin ng programa na maghatid ng libre at dekalidad na gamutan, lalo na para sa mga pasyenteng higit na nangangailangan at naisakatuparan sa pagtutulungan ng Provincial Health Office, Laguna Health Team at We Hope Medical Group.
Nakiisa sa ribbon-cutting ang mga chief of hospital, Laguna Health consultant Dr. Eric Tayag, Provincial Health Officer na si Dr. Odilon Inoncillo at mga kinatawan ng We Hope Medical Group.

