DMW Source: DMW

8th chartered flight naiuwi 342 Pilipino mula Abu Dhabi

Jun I Legaspi Apr 10, 2026
77 Views

DMW1

DMW2
Source: DMW

MATAGUMPAY na naipauwi ng Pamahalaang Pilipinas ang ikawalong chartered flight na nagdala ng kabuuang 342 Pilipino mula Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Sa bilang ng mga dumating:

• 203 ay Overseas Filipino Workers (OFWs)
• 119 ay kanilang mga kaanak o dependents
• 20 ay iba pang Pilipino

Ang repatriasyon na ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng magkatuwang na aksyon ng Department of Migrant Workers (DMW) sa pamamagitan ng Migrant Workers Office (MWO) sa Abu Dhabi, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng Philippine Embassy, na sinuportahan ng Filipino Community, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Samantala, nakahanda ang mga kaukulang ahensya upang magbigay ng kinakailangang tulong gaya ng:

• Agarang pinansyal at medikal na ayuda
• Pansamantalang matutuluyan
• Serbisyo para sa reintegration ng mga nagbabalik na kababayan
• Pagproseso ng immigration at customs requirements.