Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
SM

Serbisyong pangkalasugan mas madaling makamit sa Bacolod sa pagturn over ng SM Foundation ng 2 upgraded Bgy Health Stations

107 Views

SM1SM2BACOLOD CITY — Mas napapalapit sa mga komunidad ang access sa mahahalagang serbisyong pangkalusugan sa pagturn over ng SM Foundation ng dalawang upgraded na Barangay Health Stations na nagsisilbi sa halos 27,000 residente sa iba’t ibang urban barangay.

Ang mga bagong pinahusay na pasilidad, ang Barangay Mabini Health Station at ang ETCS Barangay Health Station, ay bahagi ng lumalawak na network ng community health facilities ng SM Foundation.

Kasama sa mga isinagawang renovation upang mapabuti ang serbisyo at karanasan ng mga pasyente ang bagong LED lighting, modernong kagamitan, at mas komportable at patient-centered na mga pasilidad.

Sa Mabini Health Station (Brgys. 22, 24, 25, 26, 28, 29, 37, 38) at sa ETCS Health Station (Brgys. 13, 14, 15, 16, 34, 35, 36), mayroong fully air-conditioned na mga pasilidad na kinabibilangan ng pharmacy na may refrigerator para sa bakuna at iba pang gamot, consultation room, pre-natal room, breastfeeding room, reception at admission area, lounge para sa mga senior citizen, at playroom para sa mga bata.

Kabilang sa mga pangunahing kagamitan ang mga hospital bed para sa mga buntis, weighing scales, stethoscope, at blood pressure monitoring machines. Mayroon ding mga laptop para sa teleconsultation, electronic medical record keeping, at integrasyon sa PhilHealth YAKAP.

Matagal nang mahalaga ang mga Barangay Health Stations sa grassroots healthcare sa Pilipinas, mula pa nang maitatag ang mga ito noong 1971. Habang unti-unting naging pormal ang barangay structure noong dekada 1970, nanatiling mahalaga ang mga health center sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan—mula sa vaccination drives hanggang sa nutrition monitoring at family planning—sa mga komunidad.

Sa kasalukuyan, nakapag-renovate na ang Foundation ng 228 health centers sa buong bansa.

Sa pamamagitan ng pagpapahusay ng mga community-based na pasilidad na ito, patuloy na sinusuportahan ng SM Foundation ang layuning matiyak na ang dekalidad na serbisyong pangkalusugan ay nananatiling accessible, abot-kaya, at tumutugon sa pangangailangan ng mga pamilyang Pilipino.