KAMARA INAPRUBAHAN ANG PANUKALA VS BULLYING
Aug 26, 2026
Calendar
Source: Fire and Rescue Alert Responders
Provincial
Pabrika sa First Cavite Industrial Estate tinupok ng apoy
Zaida Delos Reyes
May 8, 2026
282
Views
ISANG pabrika na nasa loob ng First Cavite Industrial Estate sa Dasmarinas City, Cavite ang nasunog nitong Biyernes ng umaga.
Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog dakong 9:33 ng umaga at inilagay sa unang alarma matapos ang ilang minuto.
Mabilis na kumalat ang apoy kaya’t agad din itong itinaas sa ikalawang alarma bago tuluyang naapula dakong 12:09 ng tanghali.
Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.
Sa ngayon, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng BFP para matukoy ang dahilan ng sunog at magkanong halaga ang naging pinsala nito.
Kelot na katulong kulong sa rape
Aug 26, 2026
PNP, PCA nag-collab sa pagtanim ng puno
Aug 25, 2026
Ex-miyembro ng CTG nagbalik-loob sa gobyerno
Aug 25, 2026

