Kontratista tiklo sa boga sa Taal
Nov 16, 2026
PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
Calendar
Metro
Sunog sa Taguig 13 bahay naabo
Edd Reyes
Apr 13, 2026
647
Views
TINUPOK ng apoy ang 13 kabahayan na nagresulta sa pagkaabo ng bahay ng 20 pamilya noong Lunes sa Taguig City.
Dakong alas-8-10 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa isang bahay sa Arellano St., Brgy. West Rembo at mabilis na kumalat sa mga kabahayan na gawa sa kahoy at dikit-dikit.
Nailigtas ang mga residenteng na-trap sa rooftop ng konkretong gusali ng sirain ang likurang bahagi ng gusali para makadaan sa bubong ng katabing bahay ang mga na-trap.
Dalawang residente ang nagtamo ng 1st degree burn habang naghahakot ng kanilang gamit sa nasusunog nilang tirahan.
Umabot lamang sa ikalawang alarma ang sunog na tumupok sa mga kabahayan bago tuluyang naapula makaraan ang halos isang oras.
NCRPO, 100% ready sa seguridad ng 49th ASEAN Summit
Nov 15, 2026
49th ASEAN delegates poprotektahan ng mga parak
Nov 15, 2026
49th ASEAN delegates poprotektahan ng mga parak
Nov 15, 2026
14-anyos nasawi sa riot ng kabataan sa Caloocan
Nov 14, 2026

