Calendar
SOURCE: Larawan mula sa FB/Malabon City Police Station
Binatilyo napadaan sa gulo ng grupo, tinamaan ng bala, sugatan
ISANG 16-anyos na binatilyo ang nasugatan matapos tamaan ng bala sa insidente ng pamamaril sa Barangay Longos, Malabon City madaling araw nitong Linggo, Abril 19.
Ayon sa paunang imbestigasyon, naglalakad pauwi ang biktima nang mapadpad sa isang basketball court kung saan may grupo ng kabataan. Bigla umanong huminto ang isang lalaking sakay ng motorsiklo at nagpaputok ng baril sa direksyon ng mga ito. Sa kasamaang palad, tinamaan ang biktima kahit wala itong kinalaman sa grupo.
Dinala agad sa ospital ang binatilyo at kasalukuyang ginagamot habang mahigpit na mino-monitor ang kanyang kondisyon.
Sa isinagawang follow-up operation, naaresto ng mga pulis at SWAT team ang suspek sa kanyang tirahan. Narekober mula sa kanya ang isang kalibre .45 na baril, magazine, at mga bala.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at sasampahan ng kaukulang kaso habang nagpapatuloy ang mas malalim na imbestigasyon.
