Cavite

Cavite City heat index umabot sa danger level

Dennis Abrina Apr 20, 2026
35 Views

CAVITE CITY–Nakapagtala ng 44°C danger level heat index noong Linggo ang siyudad na ito, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa kanilang 5-day computed heat index forecast, inaasahang mananatili sa danger level (42°C) ang heat index sa Cavite City sa Lunes na maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion at posibleng heat stroke kapag matagal na na expose sa araw.

Pinayuhan ni Cavite City Mayor Denver Chua ang bawat individual na uminom ng maraming tubig at magdala ng water tumbler, iwasan ang matagal na pagbibilad sa araw, magsuot ng preskong damit, magpahinga sa lilim o malamig na lugar kung kinakailangan at pinayuhang mag ingat sa matinding init ngayong summer.

Umaabot din sa 41°C sa San Ildefonso, Bulacan at Borongan, Eastern Samar ang heat index.