Motorsiklo vs poste, 2 dedo

Edd Reyes Apr 23, 2026
37 Views

TODAS ang dalawang magka-angkas sa motorsiklo nang sumalpok sa konkretong poste sa kahabaan ng MLQ Avenue, Barangay Bagumbayan, Taguig City.

Grabeng pinsala ang tinamo ng mga biktimang sina alyas “Rowlan”, 41, at ka-angkas na babaeng si alyas “Ivy” 42, kapuwa residente ng Lower Bicutan, Taguig na naging sanhi ng agarang kamatayan.

Sa nakarating na ulat Huwebes ng hapon sa tanggapan ni Southern Police District (SPD) Acting Director P/Col. Glenn Oliver Cinco,mabilis ang pagpapatakbo ng motorsiklo ng rider dakong alas-4:42 ng madaling araw nang sumabit sila sa nakalaylay na kable ng PLDT fiber.

Dahil dito’y nawalan ng kontrol sa manibela si alyas Rowlan hanggang sumalpok sa poste na nasa kanang bahagi ng kalsada.na dahilan ng agaran nilang kamatayan.