Nahuling nagnanakaw ng mga produktong petrolyo, tiklo

Gil Aman Apr 23, 2026
38 Views

APAT ang naaresto sa aktong nagnanakaw ng mga produktong petrolyo sa Alaminos-Lipa diversion road sa Brgy. San Miguel, Alaminos, Laguna noong Miyerkules.

Sa ulat ni P/Maj. Ian Lexter Loyola, hepe ng Alaminos police, nahuli ang mga suspek na hindi pinangalanan matapos magsagawa ng operation sa naturang lugar dakong alas-11:00 ng gabi.

Pinaigting ang kampanya ng Philippine National Police (PNP) katuwang ang mga barangay functionaries laban sa ilegal na gawain kaugnay ng suplay ng langis.

Ayon sa ulat, nasabat mula sa mga suspek ang ilang lalagyan ng hinihinalang ninakaw na krudo at iba pang kagamitan na ginagamit sa iligal na pagkuha nito.

Patuloy na iniimbestigahan ang insidente upang matukoy ang iba pang posibleng sangkot sa naturang gawain.