Tauhan ng PRO 4A nagtipon para sa DPPA
May 30, 2026
Calendar
Source: File photo
Metro
Massage therapist nakitang bangkay matapos ‘tumalon’ sa ilog
Melnie Ragasa Jimena
Apr 26, 2026
269
Views
NATAGPUAN ang bangkay ng 35-anyos na massage therapist na palutang-lutang sa Tullahan River sa Quezon City noong Sabado.
Kinilala ang biktima na si alyas Marlon, ng Macopa St., Area 5, Brgy. Capri, Novaliches, Quezon City.
Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (QCPD), alas-6:30 ng umaga ng madiskubre ang bangkay ng biktima sa nasabing ilog sa Atlas Road, Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches, Quezon City.
Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl Nestor Ariz Jr., isang saksi ang nakakita sa biktima na nakalutang kaya inireport sa pulisya.
Lumalabas sa karagdagang imbestigasyon na nakuhanan ng CCTV footage ang biktima na tumalon sa ilog at ilang minuto ang lumipas lumutang na ang bangkay.
SAG-MPD Station 9 members nag-oath taking
May 30, 2026
Lalaki laglag sa tangkang pamamaril
May 30, 2026
QCPD pinaghahanap nanakit ng 73-anyos na TNVS driver
May 29, 2026
Nanghalay huli sa Valenzuela
May 29, 2026

