Calendar
Seminar sa integridad sa pera ginanap sa PRO 4A


CAMP VICENTE L8M, Calamba City— Nagsagawa noong Sabado ang Police Regional Office 4A ng seminar sa Strategic Initiatives at Legal Framework sa Pag-iwas sa Paglabag sa Integridad ng Pera.
Speaker sa aktibidad si Armida Superales-Artango, acting senior investigation officer ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa talakayan, inilahad ng Payments and Currency Investigation Group ang mga prosesong pang-intelihensiya na sangkot sa pagtugon sa pamemeke ng pera at iba pang isyung nakaaapekto sa integridad ng salaping Pilipino.
Binigyang-diin ang kahalagahan ng koordinasyon at kooperasyon ng mga ahensiya ng pamahalaan sa imbestigasyon, pangangalap ng intelihensiya at pag-uusig, katuwang ang Philippine National Police (PNP).
Dinaluhan ang event ni Officer-in-Charge Deputy Regional Director for Administration PCol. Glenn Lonogan, hepe ng RETD, at humigit-kumulang sa 50 kalahok mula sa iba’t-ibang unit ng PRO 4A.

