FFM

PH Consulate sa Texas dumalo sa FFM

38 Views

FFM1DUMALO kamakailan ang mga kinatawan ng Philippine Consulate General sa pagdiriwang ng Filipino Food Month (FFM) 2026 sa International Cuisine Festival na inorganisa ng Consular League of Houston.

Nag-host ang Tramontina sa punong tanggapan nito sa Sugar Land, Texas kasama ng iba pang kinatawan mula sa Argentina, Brazil, Denmark, France, Indonesia, Honduras at Switzerland.

Ang pagdiriwang ay upang ipakita ang lutuing Filipino sa iba’t-ibang lahi.

Sa Philippine booth, natikman ng mga bisita ang chicken adobo at gulay lumpia na binigyang-buhay ng live cooking demonstration ni Raquel Harris ng Blazian Bites.

May mga homegrown fruit juice na mangga, calamansi, bayabas, pinya at guyabano sa event.

Pinarangalan din ang Konsulado sa pagkilala kay Sugar Land Mayor Carol McCutcheon na nakipag-ugnayan sa mga kalahok sa event.