Namaril

Lalaki binaril sa mukha ng misteryosong killer sa QC, tsugi

28 Views

UTAS ang 32-anyos na lalaki dahil sa pamamaril sa mukha ng hindi kilalang suspek noong Biyernes sa Brgy. Manresa, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-2:28 ng madaling-araw nang makarinig ng dalawang putok ng baril ang ilang saksi sa Mahogany Alley kanto ng Mauban St. ng nasabing barangay.

Nang kanilang tingnan ang pinanggalingan ng putok, tumambad sa kanila ang biktimang nakahandusay at duguan.

Iniulat ang insidente sa mga opisyal ng barangay na sila namang tumawag sa mga pulis.

Nagsagawa ng imbestigasyon ang Scene of the Crime Operatives ng QCPD Forensic Unit.

Sa paunang pagsusuri, nagtamo ang biktima ng dalawang tama ng bala sa mukha.