Alas asin, MAAP magtutulungan para sa barangay
Apr 20, 2026
Cavite City heat index umabot sa danger level
Apr 20, 2026
Outing nauwi sa trahedya; batang lalaki, 7, nalunod
Apr 20, 2026
Calendar
Nation
Diokno pabor na palayasin mga POGO
Peoples Taliba Editor
Sep 16, 2022
359
Views
PABOR si Finance Secretary Benjamin Diokno na palayasin na ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa dahil sa negatibong epekto nito sa lipunan.
Ayon kay Diokno hindi maitatanggi na mayroong reputational risk ang mga POGO na pinagbawalan ang operasyon sa mga bansa gaya ng China at Cambodia.
Sinabi rin ni Diokno na ang kita mula sa POGO ay bumagsak na sa P3.9 bilyon noong 2021 mula sa P7.2 bilyon noong 2020.
Tumaas din ang kaso ng kidnapping sa bansa dahil sa mga POGO kung saan nagtatrabaho ang maraming Chinese.

