Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Pulisya

PRO 3 kinasuhan 98 na parak

Bernard Galang May 2, 2026
30 Views

CAMP OLIVAS, Lungsod ng San Fernando, Pampanga–Kinasuhan ng Police Regional Office (PRO)-3 ang 98 pulis bilang bahagi ng internal cleansing campaign ng kapulisan.

Nalutas ng PRO 3 ang 73 kasong administratibo na may kinalaman sa iba’t- ibang paglabag.

Sa bilang na ito, 13 kaso ang nagresulta sa pagtanggal sa serbisyo, 36 ang nauwi sa suspensyon, 17 ang nauwi sa pagpapawalang-sala, lima ang nagresulta sa reprimand o pagsita, at dalawa ang ibinaba ang ranggo.

Kinasasangkutan ng mga kaso ang 20 Police Commissioned Officers (PCOs), 77 Police Non-Commissioned Officers (PNCOs) at isang Non-Uniformed Personnel (NUP), ayon sa report.

Binigyang-diin ni PRO 3 director Brig. Gen. Jess Mendez na nananatiling mahalaga ang panloob na disiplina sa epektibong pagpapatupad ng batas.

“Alinsunod sa isinusulong na adyenda ng hepe ng PNP na si Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., partikular sa integrity monitoring at organizational accountability, patuloy naming pinatitibay ang aming internal cleansing efforts,” sabi ni Mendez.

Ayon sa mga opisyal, bahagi ang patuloy na internal cleansing program ng pambansang pulisya.