Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Drugs

2 drug suspek laglag sa P6.8M shabu

Bernard Galang May 2, 2026
29 Views

Drugs1CAMP OLIVAS, San Fernando, Pampanga–Dalawang pinaniniwalaang drug suspek ang naaresto at nakumpiskahan ng tinatayang P6.8 milyong halaga ng shabu sa Mabalacat City, Pampanga noong Mayo 2.

Kinilala ni Mabalacat police chief Lt. Col. Efren David ang mga suspek na sina alyas Kuya at Panggay.

Isinagawa ang operasyon katuwang ang Pampanga 2nd Provincial Mobile Force Company at Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 3.

Nasamsam mula sa dalawang suspek ang hindi bababa sa isang kilo ng shabu na tinatayang P6.8 milyon ang halaga, kalibre .45 na baril, isang magasin at apat na bala.

Pinuri ni PBGen. Jess Mendez, hepe ng PRO 3, ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon.

Ang dalawang suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya at haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.