Lindol Photo source: NDRRMC

Magnitude 6 na lindol inuga ang Eastern Samar

44 Views

NIYANIG ang magnitude 6 na lindol ang Eastern Samar nitong Lunes ng hapon.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, naramdaman ang lindol dakong 2:09 ng hapon.

Ang sentro ng lindol ay naramdaman sa 11.82N, 125.62 E-020 km N 68 E ng Eastern Samar.

Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 056 kilometro.

Naramdaman ang intensity V ng lindol sa Tacloban City, Intensity 3 sa Casiguran at Juban, Sorsogon at Intensity 2 sa Tandag City, Surigao del Sur.

Naragdagan naman ang nakaramdam ng lindol sa naiulat na instrumental intensities ng Phivolcs.

Nasama sa nakaramdam ng Intensity V ang Can-avid , Eastern Samar; Alangalang at Dulat sa Leyte.

Intensity IV sa Abuyog, Carigara at Palo sa Leyte; Palapag at San Roque, Northern Samar.

Intensity III sa Bulusan at Sorsogon City sa Sorsogon; Naval sa Biliran; Hernani, Eastern Samar; Albuera , Baybay City, Hilongos, Isabel at Villaba sa Leyte; Ormoc City; Hinundayan, Malitbog, San Francisco at Sogod sa Southern Leyte.

Intensity II naman ang naramdaman sa Esperanza at Monreal Masbate; Prieto Diaz sa Sorsogon; San Francisco, Cebu; at Kawayan sa Biliran.

Niyanig din ng Intensity 1 ang Tabaco City sa Albay; Aroroy at Cataingan sa Masbate; Donsol sa Sorsogon, Passi City sa Iloilo; Carcar City sa Cebu; Cebu City; at Maasin sa Southern Leyte.

Inaasahan naman ang pagkakaroon ng pinsala sa lindol gayundin ang aftershocks.

Patuloy din ang ginagawang assessment ng mga awtoridad para makita ang naging pinsala ng lindol.