Labor1

Region 4A payapa Labor Day event

27 Views

Labor1LaborKAMPO PBGEN VICENTE LIM–Payapa at maayos ang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa noong Mayo 1 sa buong Region 4A, ayon kay Police Regional Office 4A director P/BGen. Hansel Marantan.

Sa kabuuang deployment, 1,001 pulis ang itinalaga bilang augmentation sa NCR para sa Civil Disturbance Management operations, 3,837 para sa police visibility, traffic management at border control, 400 standby force at 248 administrative support personnel.

Mahigpit na nabantayan ang 249 pangunahing lansangan, 87 transport terminals at 276 tourist destinations sa buong rehiyon.

Walang naitalang hindi kanais-nais na insidente sa buong pagdiriwang na sumasalamin sa maayos na implementasyon ng seguridad.

Samantala, ang mga focus crime noong May 1 ay mas mababa ng 12 kumpara sa mga karaniwang araw noong April 2026.

“Ang naging mapayapang pagdiriwang ng Labor Day ay patunay ng kahandaan ng ating kapulisan, gayundin ng pakikipagtulungan ng publiko at iba’t-ibang sektor,” sabi ni Marantan.